|
BEC Animators
Sila ay ang mga laykong-lingkod ng Parokya na nagtatalaga ng kanilang mga sarili upang magtaguyod ng kulturang BEC sa pamamagitan ng pagmiministri sa pagbubuo ng mga Simbahang Pamayanan. Ang salitang animator ay mula sa salitang Latin na “Anima” na ang ibig sabihin ay kaluluwa. Ang isang tao na sinasabing walang kaluluwa ay itinuturing na masamang tao. Ang isang tao kapag sinabing nilisan na ng kaluluwa ay itinuturing nang patay. “To animate “ ay nangangahulugang buhayin ang kabutihan o pasiglahin ang buhay ng pamayanan sa pamamagitan ng diwa ni Kristo. |

Anu-ano ang mga TUKOY na gawain ng mga BEC Animators?
PAGHUHUBOG (Formation)
- gumawa at magpadaloy ng mga module na maaaring patuloy na magpaalala, magpatibay at magpasigla ng kultura ng BEC sa Parokya.
- gumawa at magpadaloy ng mga module na makakatulong sa mga lingkod layko na tukuyin, paunlarin at ibahagi ang kanilang karisma para sa ikabubuti ng Simbahan (hal., PAHAYAG Module)

Community Organizing
– makatulong sa sistematikong pagbabalangkas at pagsasaganap ng mga pastoral na programa ng parokya sa mga nayon o subdibisyon (grassroot o kapitbahayan). Hal., MSK (Mumunting Simbahang Pamayanan sa Kapitbahayan.

Pastoral Leadership Skills Training
– makatulong sa pagsasanay sa mga lider-layko upang maging mga masinop (efficient), may kakayahan (competent), maalab (dynamic) at masigasig (committed) na pinuno ng kanilang pamayanan

Networking (Interministeriality)
– maging daan upang magkaroon ng pagtutulungan ang iba’t ibang ministri ng Parokya sa pagbabalangkas at pagsasaganap ng mga pastoral na programa sa mga nayon o subdibisyon.

1. Sino ang mga maaaring maging BEC Animators?
a. May karisma at pagtatalaga sa pagbubuo ng sambayanan
b. May dunong (intellectual) at espiritwal na kakayahan para magpahubog at maghubog
c. May malakas na pangangatawan at kaisipan para sa pagsasanay
d. May kakayahan at lakas ng loob na makipamuhay sa mga mamamayan (people smart)
2. Ang Parish Team of BEC Animators ba ay maaaring maging BEC din?
Dapat lang, katulad ng iba pang mga umiiral na ministri o samahang pangsimbahan. Tinanggap ng ministri ang karismang ito, dapat lang na ito ang pangunahing nagsasabuhay at nagpapaunlad nito sa kanyang pangkat.
3. Ilan ang dapat na bilang ng mga BEC Animators?
Sampu (10) o higit pa. Malaking gampanin ang ministri. Kaya dapat lang na pag-ibayuhin ang recruitment.

4. Bakit mahalaga ang KABATAAN sa Team?
Isa-alang alang ang pagsasanay sa mga kabataan (youth). Kailangan natin ang kanilang sigla (energy), pagiging malikhain (creativity), bagong kaalaman (fresh ideas) at maagang pagpapanday (for sustainability). Binibigyan diin ang kanilang masusing pag-alaala (mental flexibility).

5. Kung gayon, ano ang inaasahan sa mga nakatatanda?
Karunungan na pinanday ng karanasan (wisdom, emotional maturity, disciplined mind, perseverance and rootedness in the Church.)
Karunungan na pinanday ng karanasan (wisdom, emotional maturity, disciplined mind, perseverance and rootedness in the Church.)

6. Ano ang mga pangunahing asal o diwa na nasa kamalayan ng isang Tagapagbuo ng Simbahang Pamayanan (Values of a BEC Animator)?
a. Alagad ng Mabuting Pastol
b. May pagmamahal sa kalakhang Simbahan
c. May pagmamalasakit sa Diyosesis ng Imus
d. May pagkiling sa mga dukha (inaapi, naliligaw, nakaligtaan, nawawalan ng pag-asa, maliliit at mahihina)
e. Nagbubuo o nagtitipon ng mga mamamayan upang maging pamayanan at tahanan ng Diyos

7. Ano ang mga pangunahing ugali na dapat taglayin ng isang tagapagbuo ng Simbahang Pamayanan (Attitudes of a BEC Animator)?
a. Mababa ang loob
b. Malakas ang loob
c. Nakakakita ng pag-asa, masayahin, mapamaraan
d. Marunong kumilatis at makinig
e. Nag-aaral
f. Nagpapahubog
g. Process-oriented
h. Nakikipamayan
a. Mababa ang loob
b. Malakas ang loob
c. Nakakakita ng pag-asa, masayahin, mapamaraan
d. Marunong kumilatis at makinig
e. Nag-aaral
f. Nagpapahubog
g. Process-oriented
h. Nakikipamayan